Nagmamadali na nga ako maka uwi, with a birthday cake in tow for my son. Pero di ako makapagmadali kasi ang mga sidewalk sa Ayala Ave. are totally covered in tiles. E nag uuulan pa. Apat na beses ako nadulas... And now my left foot is blackened (sabi ng officemate ko nagka sugat sa loob..and that is blood inside) and hindi ko mai bend ang paa ko. There were a lot of people with me who were walking at a snail's pace because the entire Ayala Ave. sidewalk is a 'dulasan festival' of sorts. Hirap na nga akong maglakad before pa sa harap ng Enterprise kapag umuulan kasi madulas, naisipan ng Makati na pahirapan ako lalo by putting tiles on the whole Ayala Ave.
Akala ko kasi nakarecover na ang mga pinoy sa 80's phenomenon na 'basta naka tiles, sosy!!!' (with kasamang hiyaw ng "ahaaaay" sa dulo) nung nagaaral pa ako sa kolehiyo. Kaya nga mostly ginagamit ng designers e road bricks or other materials with a high friction rate even when wet.
Kaaaso meron n naman palang hang over ng 80's phenow movement. Kaya kailangan kong bumili ng sapatos na mas makapit dahil sa ginawa sa Ayala. Pero, dahil wala pang bonus, sa may Dela Rosa na lang muna ako dumadaan.
(Ay, naku...nasabi ko pa...baka Dela Rosa naman ang tadtarin nila ng mga tiles...oo yung mga mariwasa na pambanyo...para kahit maaraw, basag ang bungo ng mga naglalakad...put@#%in@)
No comments:
Post a Comment