Thursday, October 27, 2011

5 milyon? me parte ba kami dyan?

Ano na naman itong nababalitaan na binigyan ng gobyerno ng Pinas ng halagang 5 milyong piso ang MILF. At para daw ito sa Leadership training institute.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA....

Naiputan na naman sa ulo ang gobyerno at ang taong bayan.

At sinasabi ng MILF na di ito ginamit sa pagbili ng mga dagdag na armas at bala na gigitil na naman sa mga kawawang magiting na marino at sundalo ng Pambansang Sandatahang Lakas.

Sabagay, mga ang mga nasa taas lang naman ang nakikinabang sa mga milyon milyon na kinakaltas buwan buwan sa mga pinaghirapan ng mga ordinaryong mamamayan, kaya wala silang pakialam. Yang mga general na yan na maraming ari arian sa ibang bansa (lalo na sa 'Tate), kasi kapag sinalakay na tayo ng Tsina, sila ang unang unang lilipad palabas ng bansa.

Ilang beses pa ba uli magpapaloko ang gobyerno, ilang magiting na sundalo pa ba ang masasawi, ilang milyon piso pa ba ng pinaghirapan ng taong bayan ang kailangang masayang bago sila magising na TINATARANTADO lang sila.

At yang peace talks at ceasefire na yan...habang naniniwala kayo na sumusunod sila sa patakaran at mga napagusapan, bigla kayong padadalahan ng pugot na ulo ng turista, international journalist, sundalo...o kaya biglang lulusubin ang isang bayan, isang himpilan ng pulisya, isang firebase ng militar o marino. Kung isang damukal ang break away groups na yan (ayon sa kanila), what is the use of talking peace to a minor faction of that group.

Kaya na nga hindi na nila lilisanin ang pagiging hukbo ng mga bandido kasi nagiging 'cash cow' nila. Bakit ka nga naman maghihirap sa pagsasaka, pagtratrabaho, pagpapabuti ng antas ng lipunan...basta me baril ka at masamang hangarin, pera agad.

No comments:

Some Other Ramblings and Stuff

Past Stuff-u-lufugus

There was an error in this gadget