Wednesday, November 2, 2011

Saan Patungo ang mga Kabataan.

Nanunuod ako ng TV nung isang araw at nabibigla ako sa mga naririnig ko: Gustong ibaba ang edad kung saan pwedeng litisin bilang kriminal ang isang bata.

Ano?

Alam ko na maraming pasaway dyan pero ganun ganun na lang ba ang solusyon?

Pagkatapos ay napanuod ko naman ang ibat ibang balita kung saan ang mga bata mula 10 taon hanggang 15 taon gulang na nagiging magnanakaw, holdaper, pusher, and worst of all, rapist-killer.

Sa ibang krimen, ginagamit lang daw ng mga sindikato ang mga bata kasi mababaw na parusa lang ang maipapataw sa kanila dahil sila ay mga bata. In some cases, hindi na sila kinukulong sa presinto...pinapauwi o pinapaalis na lang agad.

pero sa tingin ko, tamang gabay habang sa paglaki ang tamang daan para maituwid sila. At sa mga sindikato na tinarantado ang kinabukasan ng mga batang ito, kailangan sila ang hagilapin ng batas.

Kailangan tandaan na ang kabataan ay dumadaan sa sinasabing 'formative years' kung saan nahuhubog and kanilang pagkatao. Kapag mali ang nakikita nila mula sa mga matatanda na gumagabay sa kanila, at tinatanggap ito na tama, ang kanilang sense of right or wrong ay nagbabago.

At ang mga batang naging biktima ay kailangan padaanin sa isang mabisang rehabilitation program, hindi sagot ang pagkulong sa kanila kasama ang mga hardened criminals sa kulungan.

No comments:

Some Other Ramblings and Stuff

Past Stuff-u-lufugus